this is my december.
And so I'm back from outerspace. ^__^
Teka. Gusto ko mag-Tagalog. =)
Ang last post ay nung ika-20 pa ng Oktubre. Lungkot naman. Hehe. Nobyembre na! Sabi ng DJ apatnapu't walong araw na lang raw bago mag-Pasko. Naka. Bilis naman ng takbo ng panahon. Nakakatakot.
Ano'ng bago? Madami! Kaso, tinatamad na 'kong balikan at isa-isahin pa. Pero syempre di ko limot ang araw na yun. At ang mga sumunod pang araw. =)
Alam niyo ba na ayoko ng Disyembre? Seryoso. Hindi ako sigurado kung baket, pero tingin ko ito yung panahon kung kelan lahat ng nakakalungkot na bagay ay nakikipaghabulan sa 'yo. Para bang gusto ka nilang tirahin bago magtapos ang taon. Di ko alam senyo, pero ganun kasi ang laging nangyayari saken.
Nagsimula ata lahat nung nasa ika-anim na baitang na 'ko sa mababang paaralan. Alalang-alala ko ang petsa-- December 19, 2002. Christmas Party namin nun. Syempre, nakaporma kameng lahat. Me mga laro, pagkain, kantahan, sayawan, bigayan ng regalo. Pagkatapos kumain, kinuha namin ang yelo sa cooler tas naghabulan at batuhan kame. Masaya talaga yun. Yun din ang araw na *ehem*. Wag na lang. Pero ang inakala kong masayang araw, nauwi sa isa sa mga pinakamalulungkot na pangyayari. Pagkauwi namin ng nanay ko, nag-ring agad ang telepono. Nakakagulat. Nakakakaba. Tama ang kutob ko-- wala na raw si Auntie Angie.
Nagwala si Mama habang kausap niya sa telepono ang kamag-anak namin. Hindi ko man narinig ang pag-uusap, naramdaman ko ang bigat ng sandaling yun. Hindi na naibaba ni Mama ang telepono, nanghina na siya. Ako naman ay nag-panic-- baka kasi atakihin ang nanay ko ng asthma niya. Tumakbo ako para yakapin siya. Nagyakapan kame habang nag-iiyakan.
Isipin niyo na lang kung pano kame nag-Pasko nun. Masaya pero pilit. Umiiyak at hindi dahil sa tuwa. Tumatawa pero nasasaktan.
Nung sumunod na taon, puro awayan naman sa bahay. Ang gulo, ang ingay! Daig pa nila ang mga sintunadong bata na nangangaroling. Daig pa nila ang mga paputok ng mga excited na tao. Daig pa nila ang lahat ng klaseng ingay.
Second Year. Umatake na naman ang kagagahan ko. Hinding-hindi na ako magkakagusto sa Atenista. Sana naisip ko yan sa mga panahong yun. Sana hindi ako naiinis ngayon pag naaalala ko. Bwiset. Ang kapal ng mukha mo 'tol! Pero kasalanan ko rin. Di ko naman masyadong kilala yun, eh nagtiwala ako. Gaga nga diba? Hay. Sana magbagong-buhay ka na, Coye. Kawawa naman ang mga babae mo. Hindi nila alam na me kahati sila. Tsk.
Disyembre 2005. Hindi ko maintindihan nung una. So all this time pala naglolokohan tayo? Sa totoo lang, di ko pa rin masyadong naiintindihan ngayon. Mas ginusto kasi niyang manahimik at iwan na lang lahat na nakabitin. Sa bagay, ano'ng karapatan kong magreklamo? Ako lang 'to eh.
Nagkasaket rin ako nung panahon na yun. Inatake ng asthma dahil nag-away kami ni.. (ibang tao) Lungkot. Hindi ko akalain na isang semi-stranger ay pwedeng magkaroon ng ganung impact sa buhay mo. Yun bang feeling mo katapusan na ng mundo kasi nag-away keo. Hirap huminga. Hirap tumawa nang di pilit. Hirap kontrolin ang pag-iyak sa eskwela at Harry's. Papasok ka sa kwarto pag gabi at hihintayin mong tugtugin nila ang "Blind" ng Lifehouse tas hihiga ka sa sahig at iiyak. Madrama? You have no idea.
Pero naging okey rin naman ang lahat. Bumawi si Tao #2. At napasaya niya ako kea hindi ko na naisip ang mga nangyari ke Tao #1.
Ngayong taon kea? Sana naman mas masaya. Nakakapagod magmukmok pag lahat naman ng tao nagpapakasaya. Aabangan ko na lan. =)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home